Friday, July 6, 2012

Call Me Maybe? Ano Daw?!

After a 3 month-long hiatus, I'm back in the blogosphere! Just in case you all were wondering where I've been and what I've been up to (which is a LOT), Imma have to ask you guys to chill first because I have to submit this online blog post for a Filipino project. It's graded, so please, bear with me as I attempt to deconstruct and analyze "Call Me Maybe" by Carly Jepsen in full-on Filipino, in 500 words or less! #lezzgow! 


"Call Me Maybe" ni Carly Rae Jepsen. Ang buong teksto ng mga titik ng kanta ay matatagpuan DITO.

Isang viral hit, ang kantang "Call Me Maybe" ng Canadian-born singer-songwriter na si Carly Rae Jepsen ay kasalukuyang tumagatinting hindi lamang sa radyo, telebisyon at internet na naaabot ng mga kabataan kung hindi pati narin sa lalong mas nakatatanda!

Ano nga ba ang mayroon sa kantang ito at sadyang pumatok sa pandinig ng nakararami? Karapat-dapat ba ang pagiging number one nito sa mga talaang pang musika tulad ng Billboard Hot 100 (at iba pa)? Bakit nga ba lumalaganap ang mga lip-sync videos na sa kasalukuyan ay pinagkakaguluhan sa YouTubeFacebook at Twitter?

Ito ay nagsisilbing kasaysayan hindi lamang ng nagbabagong mundo na lalong nagiging bukas sa mga kaisipan, kung hindi isang mundong na kahit maraming negatibong aspeto, ay kinakailangang paalalahaning maging masaya at optimistiko.

Kung bibigyan ng hatol ang "Call Me Maybe" sa tanong na kung ano nga ba ang tunay na ipinapahayag ng kanta gamit ang mga titik na pumupuna sa melodiya nito, ang maaring isagot sa tanong ay ang literal na paglarawan sa kwentong inilalahad nito. Ngunit kung sisiyasatin ng maigi, maaaring humantong sa kaisipan na hindi lamang sobra-sobrang paglalandi at mas grabeng pagkahulog ng damdamin ang dahilan kaya't naisipang ibigay ang number sa telepono, sabay sabi ng "Call me, maybe?". Isinasalamin nito ang isang lipunan kung saan katanggap-tanggap na ang babae ang gumawa ng pangunahing hakbangin sa tinitignang posibilidad sa romansa. Ipinapakita ang kawalan ng hiya (menos ang mga negatibong konteksto nito) ng kababaihan sa kagustuhang magkaroon ng love-life at ang gamit at kahalagahan ng teknolohiya (telepono) sa pagbuo at pananatili ng isang relasyon sa makabagong panahon. Haluin ang makatotohanang pagsalamin ng pamamaraan ng pag-iisip at pamumuhay gamit ang wikang naapapatotoo sa karamihan, at ang himig na nakakapang-akit: viola!  "Call Me Maybe." Isang Billboard Hot 100 chart topper.






Ang YouTube craze ng paggawa at pagupload ng video ng sarili at ng mga kaibigan habang naglilip-sync ay maaring tignan bilang isang penomenon kung saan ang pag-unawa ng kanta ng nakararami ay isang kantang tuluyan ang pagpapapahayag ng kasiyahan kaya't puro kalokohan, harutan at pagpapakita ng kaligayahan ang napapanood. Purong ang kasiyahan at pagkabighani ng isang indibidwal ang naririnig sa kanta at taliwas ito sa kadalasay' kalungkutan at pagka-emo ng karamihan ng mga kantang tinatangkilik ng masa (isa na dito ang "Somebody That I Used to Know" ni Gotye). Sa aking palagay ay ang paggawa ng ganitong panoorin ay mayroong hindi tuwirang layon na pumawi sa likas na pagkanegatibo at pesimistiko ng ating lipunan ngayon sa paghahatid ng konkretong larawan ng ligaya.

Bagaman walang katiyakan, sa aking palagay, lubos ang pagsikat ng kantang ito dahil bukod sa pagsasalamin nito kasalukuyang kalagayan ng kaisipan at pag-uugali ng lipunan ngayon, ito ay tumutugon sa pangangailangan ng pagpapalaganap ng optimistikong pananaw tungkol sa mundo ngayon.

No comments:

Post a Comment